“Ang U.P. Lipunang Pangkasaysayan (U.P. LIKAS) ay naninindigan na walang lugar ang anumang uri ng karahasan sa loob ng Unibersidad. Nananawagan ang organisasyon sa lahat ng fraternity na tuluyang buksan ang kanilang mga mata at isipan sa realidad na walang mabuting naidudulot sa kahit na sino ang karahasang kanilang kinasasangkutan at patuloy na pinaiiral sa loob ng kanilang mga tinatawag na kapatiran.”
TAMA NA. ITIGIL NA. SAWANG-SAWA NA KAMI SA FRAT-RELATED VIOLENCE.
Nagpapasalamat ang UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) sa lahat ng nakilahok sa ACLE: Ano Raw? Mga Problema at Solusyon Ukol sa mga Aklat ng Araling Panlipunan. “Tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan!”
Ang sub-site ng ika-20 na Pambansang Kumperensiya ng U.P. LIKAS ay matatagpuan sa kanang bahagi ng website na ito. Dito niyo mahahanap ang ilang detalye tungkol sa aming kumperensiya, ang listahan ng mga tagapagsalita at iba pa.
“Bilang isang bisyonaryo, hinikayat niya ang kabataan, ang itinuring niyang pag-asa ng bayan, na kumilos para sa ikauunlad ng bansa. Sa kasamaang palad, ang iilan sa ati’y mayroong maling konsepto ng pagiging makasaysayan. Hindi kailangan ng mga engradeng uri ng pagkilos, ng basta bastang pagsabak sa lansangan upang maging bahagi ng kasaysayan. Ang paggamit ng lakas at talino sa mga simpleng bagay tulad ng pag-aaral nang mabuti, pagtulong sa nangangailangan at pagiging kritikal sa mga isyu ng ating bayan ay sapat na upang maging bahagi ng kasaysayan.”
Nais naming ipaalam sa lahat na ang aming oryentasyon ay inilipat sa ika-7 ng Hulyo ngunit ito pa rin ay magaganap sa PH 308-310, 4 n.h-5:30 n.h.
Sino naman ang aayaw sa alok ng libreng pagkain at ng oportunidad para maging miyembro ng isang kritikal, makabuluhan at makasaysayan na organisasyon? (Naks!)
Kaya hanapin mo na ang SAYSAY at SAYA sa KASAYSAYAN! Sali ka na sa U.P. Lipunang Pangkasaysayan (U.P. LIKAS)!
Para sa karagdagang impormasyon, maaring kontakin si NIC (09174174196) o si LESLIE (09279741051).
“Tulad ni Rizal maaring may marami pang intelektwal na katulad niya, na kung hindi man nila nagawa ang lahat ng nagawa ng ating pambansang bayani, ay inilaan ang kanilang panahon upang mapagyaman ang kanilang kaalaman; ngunit si Rizal ay nananatili sa puso ng bawat Pilipino sapagkat nagawa niyang maging mas makabuluhan sa kaniyang kapanahunan. Ito ay sapagkat ang lahat ng ito’y hindi niya ginawa para sa kaniyang pansariling interes, o para sa personal na kaalaman upang maklamang sa nakararami.”
Ang U.P. Lipunang Pangkasaysayan (U.P. LIKAS) ay bukas para sa mga aplikante ngayon semestre. Pumunta lamang sa aming oryentasyon sa gaganapin sa ika-5 ng Hulyo (4-5:30 n.h.) sa PH 308-310.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring kontakin si NIC (09174174196) o si LESLIE (09279741051).
Kung ikaw ay isang mag-aaral ng kasaysayan sa U.P. Diliman o isang “history buff,” pasok na pasok ka sa Pinakamahusay na Organisasyon sa CSSP (Kagalingang KAPP 2011).
Kung saan may tagumpay, saya at saysay… Dito ka na sa subok na subok na pang-akademikong organisasyon sa U.P. Diliman, ang U.P. Lipunang Pangkasaysayan!
Gusto mo rin bang maging kritikal, makabuluhan at makasaysayan? Abangan lamang ang buong detalye ng aming oryentasyon para sa mga aplikante dito sa Tumblr o sa Facebook.
U.P. LIPUNANG PANGKASAYSAYAN “tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan”
Maligayang pagdating sa opisyal na website ng U.P. Lipunang Pangkasaysayan!
Dito makakahanap ng impormasyon tungkol sa isang samahan ng mga mag-aaral ng Kasaysayan at mga taong mahilig sa Kasaysayan.
Kung nais mong kontakin ang organisasyon, maaari kaming kontakin sa uplikas@gmail.com o bisitahin sa Facebook (facebook.com/uplikas.)
"tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan"
Ang U.P. LIKAS ay isang kasaping organisasyon ng Buklod CSSP, ang pangunahing pormasyon ng pamumuno at paglilingkod sa CSSP. Ang Buklod CSSP ay isang kasaping organsisasyon ng Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA).